STO. TOMAS CITY, Batangas – Bahagyang nasaktan ang actor na si Wowie De Guzman matapos na bumangga sa concrete barrier ang minamanehong kotse kaninang 4:00 am sa Maharlika Highway sa Brgy. San Bartolome, Sto. Tomas City, Batangas,
Ayon kay PLtCol. Marlon Cabataña, hepe ng Sto. Tomas City Police, inamin umano ng actor na nakatulog siya habang nagmamaneho dahilan para bumangga sa mga concrete barrier sa gitna ng highway.
Ligtas naman ang 2 kasama pa ni De Guzman.
Gumana ang airbag ng kotse kaya pasa lamang sa hita ang tinamo ng actor.
Galing umano sa isang show sa Guinayangan, Quezon ang grupo ng actor at pauwi na sa Manila.