Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 1 Oktubre 2026 1 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-2-5
Showbiz

“Good Morning OrMin” ng Radyo Natin Calapan, itinanghal na Best Newscast sa 29th KBP Golden Dove Awards

Sabayang umeere ang Good Morning Ormin sa 96.9 Radyo Natin Calapan City, 105.3 Radyo Natin Pinamalayan at 103.7 Radyo Natin Bongabong   araw-araw mula 10 hanggang 11 ng umaga.

Congratulations, 96.9 Radyo Natin Calapan!GLADY MABINI
I-share

Pasay City — Nagwagi ang local radio newscast na  “Good Morning OrMin”  (GMOR) ng Radyo Natin Calapan City bilang Best Newscast sa provincial category  sa ginanap na 29th KBP Golden Dove Awards.

Ang Good Morning Ormin ay   napakikinggan sa DWCA 96.9 Radyo Natin Calapan City at sabayang umeere sa 105.3 Radyo Natin Pinamalayan at 103.7 Radyo Natin Bongabong   araw-araw mula 10 hanggang 11 ng umaga.

Ayon kay Radyo Natin Calapan City Station Manager Glady Mabini hindi nila inaasahan ang pagkapanalo dahil karaniwang AM radio stations ang nangingibabaw sa mga kategoryang pangbalita, habang mas nakatuon naman sa entertainment ang mga FM station.

Nagsimula ang GMOR noong 2018 at itinuturing na pinakamatagal nang araw-araw na newscast sa Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga anchor sina Mabini, Adonis Soratorio at Darwin Dico.

Bukod sa balita, may mga segment din ang GMOR tungkol sa edukasyon, agrikultura, kalikasan, kalusugan, turismo, palakasan, kabuhayan at iba pang usaping pangkomunidad.

Nakamit din ng programa ang Best News Program sa Radyo Natin Excellence Awards noong nakaraang taon, dahilan upang mapili itong pambato ng network sa Golden Dove Awards.

Kabilang sa mga nakalaban ng GMOR ang Brigada Balita Alas 7 ng Cebu, Rise Against Ecological Threats ng Cagayan de Oro, at Bombo News and Views ng Iloilo.

Kinilala rin ni Mabini ang ambag ng Philippine Information Agency (PIA) MIMAROPA, partikular sina Ace Sapit at Joshua Sugay, na nagsilbing contributors at reporters ng programa.

Ayon kay Mabini, ipinapakita ng parangal na may mahalagang papel ang lokal na radyo sa paghahatid ng balita at impormasyon sa mga komunidad.

Congratulations, Radyo Natin Oriental Mindoro!

Kaugnay na Balita