Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 1 Oktubre 2026 1 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-2-5
BREAKING

Barko, nasunog sa Calaca City, Batangas; 2 crew sugatan

Nailigtas ang lahat ng 22 crew pero dalawa ang nasugatan.

Nasunog ang motor tanker vessel na MTKR Gindara sa Calaca City,BatangasCOAST GUARD SOUTHERN TAGALOG
I-share

CALACA CTY, Batangas –  Nasunog ang isang  barko  na motor tanker na may lulan na 22 mga crew sa Calaca City, Batangas.

Ayon sa Philippine Coast Guard Southern Tagalog nasa may Balayan Distillery Inc. Port sa Barangay Talisay ang MTKR Gindara  na may lulan na mga molasses nang sumiklab ang sunog, Miyerkoles ng gabi.

Rumesponde kaagad ang Coast Guard Sub-Station  Lemery at Bureau of Fire Protection Calaca City nang matanggap ang tawag mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Tumulong na rin ang mga local tugboats na MTUG Sedar 8 at MTUG Polaris sa pag-apula sa sunog.

Nailigtas lahat ng crew ng MTKR Gindara pero dalawa sa kanila ang nasugatan  na isinugod sa Metro Lemery  Medical Center at Metro Calaca Hospital.

Sa imbestigasyon lumalabas na sa engine room ng  barko nagsimula ang apoy.

Ipinadala na rin ng PCG ang BRP Malapascua para tumulong sa pag-apula sa sunog.

Ayon sa PCG, wala ng nakikitang apoy pero malakas pa rin ang usok sa may bridge ng barko.

Kaugnay na Balita