BATANGAS CITY — Umabot sa humigit-kumulang ₱400,000 ang kabuuang kita ng mga kalahok sa unang pagbisita ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa lungsod noong Setyembre 16, na nagpapakita ng malakas na pagtangkilik sa mga lokal na produkto.
Muling nagbukas ngayong araw ang KNP sa People’s Quadrangle, kung saan 25 stalls ang lumahok at nagbenta ng mga halaman, gulay, bigas, itlog, at iba’t ibang produktong lokal mula sa iba’t ibang bayan.
Layunin ng programa na bigyan ng direktang pamilihan ang mga lokal na magsasaka at prodyuser upang maibenta ang kanilang mga produkto sa mga mamimili sa mas abot-kayang halaga.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the City Agriculturist at nakatakdang muling bumalik ang KNP sa Batangas City sa susunod na buwan.
Para sa mga lokal na magsasaka at prodyuser na nais lumahok sa mga susunod na Kadiwa ng Pangulo sa iba’t ibang lugar, maaaring makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).