MAMBURAO, Occidental Mindoro – Ibinaba ng PHIVOLCS sa Magnitude 4.8 ang lindol na yumanig sa Mindoro at Batanags nitong Miyerkoles ng 9:34 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa 23 kilometro sa timog- kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro.
Tectonic ang dahilan ng lindol na may lalim na 28 kilometro.
Naramdaman ang pagyanig sa Intensity IV sa Mamburao at Sablayan sa Occidental Mindoro.
Intensity III sa Abra de Ilog , Looc , Lubang sa Occidental Mindoro at Calapan City, Oriental Mindoro at Lipa City, Batangas.
Intensity II sa Mataasnakahoy, Batangas at Batangas City.
Intensity I naman sa San Jose, Magsaysay, Calintaan sa Occidental Mindoro at Pinamalayan at Victoria sa Oriental Mindoro at Boac sa Marinduque at Cuenca, Batangas.
Hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol pero posible ang mga aftershocks.