Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 1 Oktubre 2026 1 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-2-5

Mapúa Malayan Colleges Laguna, sinuspinde ang face-to-face classes dahil sa security concern

Nakikipagtulungan na ang eskwelahan sa mga otoridad.

Hindi nagbigay ng detalye ang Mapúa Malayan Colleges Laguna sa security threat na kanilang natanggap.Mapúa Malayan Colleges Laguna
I-share

Cabuyao City, Laguna — Sinuspinde ng Mapúa Malayan Colleges Laguna ang lahat ng on-site classes simula Huwebes, Oktubre 1, 2026, bilang pag-iingat dahil sa iniulat na security concern.

Sa abiso ng paaralan, agad na ipinatupad ang suspensiyon ng mga klase na ginaganap sa campus. Ang mga estudyanteng may on-site classes ay ilipat muna sa synchronous online learning.

Ayon sa pamunuan, nakikipagtulungan sila sa mga lokal na law enforcement agencies at emergency personnel na nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon kaugnay ng security concern.

Hindi naman agad nagbigay ng karagdagang detalye ang paaralan tungkol sa naturang insidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Kaugnay na Balita