Lumaktaw sa nilalaman
Linggo, 22 Nobyembre 2026 22 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 6-9-7
CALABARZON

Reklamo kay Laguna Gov. Aragones, ibinasura ng Ombudsman sa evaluation phase pa lang

Kabilang din sa mga pinawalang-sala sa reklamo sina Provincial Budget Officer Jocelyn Tan, Provincial Treasurer Fely Cruz, PDRRMO Head Aldwin Cejo at Provincial Administrator Atty. Nathalie Irene Velasquez.

Ayon sa isang source sa Ombudsman, sa evaluation stage pa lamang ay ibinasura na ang reklamo dahil sa kawalan umano ng sapat na batayan.LAGUNA PIO
I-share

STA. CRUZ, Laguna – Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang reklamo laban kay Laguna Governor Sol Aragones kaugnay ng umano’y iregularidad sa paggamit ng ₱180 milyong pondo para sa mga programang pang-disaster ng lalawigan.

Inihain ang reklamo ni Laguna Board Member Karla Monica Adajar-Lajara, kasama sina Board Members Lorenzo Zuñiga Jr. at Princess Diane Lajara, at Calamba City Councilor Christian Niño-Lajara.

Ayon sa isang source sa Ombudsman, sa evaluation stage pa lamang ay ibinasura na ang reklamo dahil sa kawalan umano ng sapat na batayan.

Kabilang din sa mga pinawalang-sala sa reklamo sina Provincial Budget Officer Jocelyn Tan, Provincial Treasurer Fely Cruz, PDRRMO Head Aldwin Cejo at Provincial Administrator Atty. Nathalie Irene Velasquez.

Gayunman, hindi sumang-ayon si Adajar-Lajara sa pasya ng Ombudsman kaya naghain ito ng motion for reconsideration upang hilinging muling suriin at baligtarin ang dismissal order.

Sa kaniyang mosyon, kinuwestiyon ni Adajar-Lajara ang batayan ng pagbasura sa reklamo, lalo na ang pahayag na walang sapat na ebidensiyang nagpapatunay na natanggap ng mga respondent ang kaniyang mga kahilingan para sa kaukulang mga dokumento.

Hiniling din niya na atasan ang mga respondent na magsumite ng kani-kanilang counter-affidavit upang maipahayag ang kanilang panig sa mga paratang.

Samantala, itinuturing ni Aragones na paunang positibong resulta ang pagkakabasura ng reklamo laban sa kaniya sa kabila ng nakabinbing motion for reconsideration.

Una nang iginiit ng gobernador na walang batayan ang mga paratang laban sa kaniya at pulitikal lamang ang motibo ng mga ito na aniya’y layong pabagsakin ang kaniyang administrasyon.

Kaugnay na Balita