Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 1 Oktubre 2026 1 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-2-5
BREAKING

22 crew nailigtas sa nasunog na motor tanker vessel sa Calaca City

Dalawa crew ang nasugatan

Ligtas lahat ng 22 crew ng MTKR Gindara pero 2 ang nasugatan.COAST GUARD SOUTHERN TAGALOG
I-share

CALACA City, Batangas –  Nailigtas ang 22 crew sa nasunog na motor tanker vessel na MTKR Gindara nitong Miyerkoles ng gabi sa Balayan Distelliry Inc. Port sa Barangay Talisay, Calaca City, Batangas.

Ayon sa Philippine Coast Guard Southern Tagalog  may lulan na mga molasses ang MTKR Gindara.

Rumesponde kaagad ang Coast Guard Sub-Station  Lemery at Bureau of Fire Protection Calaca City nang matanggap ang tawag mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Tumulong na rin ang mga local tugboats na MTUG Sedar 8 at MTUG Polaris sa pag-apula sa sunog.

Nailigtas lahat ng crew ng MTKR Gindara pero dalawa sa kanila ang nasugatan  na isinugod sa Metro Lemery  Medical Center at Metro Calaca Hospital.

Sa imbestigasyon lumalabas na sa engine room ng  barko nagsimula ang apoy.

Ipinadala na rin ng PCG ang BRP Malapascua para tumulong sa pag-apula sa sunog.

Ayon sa PCG, wala ng nakikitang apoy pero malakas pa rin ang usok sa may bridge ng barko.

Kaugnay na Balita