STA. CRUZ, Laguna – Tiniyak ni Laguna Gov. Sol Aragones na nananatili siyang matatag at walang dapat ipag-alala sa kaniya sakabila ng mga patuloy na pagpapabagsak sa kaniya ng mga kalaban sa pultika.
Ginawa ni Aragones ang pahayag sa harap ng mga mayor ng Laguna na nagtungo sa kapitolyo at nagpahayag ng buong suporta sa kaniyang administrasyon.
“wala ho kayong dapat alalahanin. Matatag po ako at nananatili pa rin akong matatag habang may mga katulad niyo na mga mayor na taong bayan na naniniwala pa rin sa kredibilidad ni Sol Aragones.” sabi ni Aragones.
Bagamat patuloy ang paninira, sinabi ni Aragones na nakatut0k lamang siya para sa ikabubuti ng Laguna.
“Hindi ho ako perpekto, hindi ho ako superwoman na kaya kong agad-agad masolusyonan lahat.Pero sinisikap, gaya din po niyo, sinisikap nating masolusyonan nang dahan-dahan.” dagdag pa niya.
Isang pangako naman ang binitiwan ni Aragones na hindi niya sisirain ang sinumpaan niyang tungkulin sa Laguna.
“sa ating mga mayor, sa taong bayan at sa aking anak, kailanman ay hindi ko pagnanakawan ang bayan, ang lungsod na pinangakoan kong paglilingkuran hanggang gusto niyo akong maging gobernador ng lalawigan ng Laguna.” sabi ng gobernador.
Sumumpa rin si Aragones sa kaniyang anak na hindi niya gagawin na pagnakawan ang bayan.
“Anak, wag kang mag-alala. Hindi magnanakaw ang nanay mo. At kahit kailan, hindi ko nanakawin ang pera ng taong bayan.” Sa katunayan, naghahanap pa ko ng paraan para madagdagan ang pondo ng Laguna para maraming proyekto akong maibigay dito.” sabi pa ni Aragones.
Pagtiyak ng gobernador, sisikapin niyang maging maayos ang serbisyo para sa mamamayan ng Laguna lalo na ang hospital.