Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 12 Oktubre 2026 12 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 3-2-6

Security guard, patay sa pamamaril ng empleyado na madalas niyang sitahin dahil sa cellphone

Dead on the spot ang biktima, na nagtatrabaho sa isang poultry dressing plant, nang pagbabarilin bandang alas-5:20 ng hapon habang sakay ng motorsiklo.

Sakay ng motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tiaong, QuezonTIAONG MUNICIPAL POLICE STATION
I-share

TIAONG, Quezon – Isang 37-anyos na security guard ang nasawi matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Maharlika Highway, Barangay Lagalag, Tiaong, Quezon, noong Sabado ng hapon.

Dead on the spot ang biktima, na nagtatrabaho sa isang poultry dressing plant, nang pagbabarilin bandang alas-5:20 ng hapon habang sakay ng motorsiklo.

Hindi nakuha sa CCTV ang aktuwal na pamamaril. Gayunman, sa isinagawang backtracking at forward tracking ng mga awtoridad sa mga CCTV camera sa kahabaan ng highway, natukoy ang motorsiklong ginamit ng mga suspek.

Ayon kay Tiaong Municipal Police Station chief PLtCol. Redelio Calawit, nakita sa CCTV na nagpalit pa ng panlabas na damit ang mga suspek matapos ang krimen. Tinanggal din umano ng gunman, na backrider ng motorsiklo, ang kanyang helmet, dahilan para makilala siya bilang empleyado rin ng nasabing poultry dressing plant.

Sa follow-up operation, naaresto ang 41-anyos na gunman sa Barangay Tagbakin. Itinuro rin nito ang pagkakakilanlan ng driver ng motorsiklo.

Ayon kay Calawit, ang umano’y madalas na pagsita ng biktima sa suspek dahil sa pagdadala nito ng cellphone sa production area ng kanilang pinagtatrabahuhan ang posibleng motibo sa krimen.

Patuloy naman ang follow-up operation ng mga awtoridad upang matunton at maaresto ang driver na nakatakas.

Kaugnay na Balita