TAYABAS CITY – Sinunog umano ng isang lalaki ang isang backhoe na nakaparada sa Masagana Agro Incorporation sa Barangay Ibabang Aslam, Tayabas City, Quezon nitong Sabado.
Ayon sa report ng Tayabas City Police Station, bandang 5:30 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag mula sa Brgy. Chairwoman na nagreport na may nasusunog na backhoe.
Mabilis na rumesponde ang Bureau of Fire Protection at naapula ang sunog .
Hindi ma matukoy ang halaga ng pinsala.
Pinaghahanap naman ng mga otoridad ang 30 taong gulang na suspek .
Iniimbestigahan pa rin ang motibo sa insidente.