Lumaktaw sa nilalaman
Linggo, 11 Oktubre 2026 11 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 6-4-9

EXCLUSIVE : CCTV footage ng mga suspek sa pananambang sa ex-Chairman sa Tanauan City,inilabas ng mga otoridad

Sa kuha ng CCTV footage, makikita na binubuntutan na ng mga suspek ng sakay ng motorsiklo ang biktima habang nagmamaneho ng motorsiklo sa provincial road sa Barangay Talaga.

Ang riding-in-tandem suspects habang sinusundan ang dating kapitan sa provincial road, Brgy. Talaga, Tanauan City, Batangastanauan city police station
I-share

TANAUAN CITY – Inilabas na ng Tanauan City Police ang kuha CCTV footage na makatutulong sa pagkilala sa mga suspek sa pagpatay sa dating chairman ng Barangay Bañadero na si Emeterio Awitan, 66 anyos.

Ayon sa pulisya, nakasuot ng itim na jacket at asul na pantalon ang driver ng motorsiklo. Ang angkas naman na hinihinalang gunman ay nakasuot ng puting T-shirt, pulang jacket, asul na pantalon at puting sapatos.

Sa kuha ng CCTV bago ang krimen, makikitang  sinusundan na ng mga suspek  na sakay ng motorsiklo ang ang biktima  habang binabagtas ang Provincial Road sa Barangay Talaga gayunman, hindi nakunan ng CCTV ang aktuwal na pamamaril.

Sa isa pang CCTV footage matapos ang krimen, makikita ang mga suspek na tumatakas. Mapapansin ding wala na hinubad na ng  gunman ang pulang jacket na suot niya ng isagawa ang krimen.

Naganap ang pananambang bandang alas-5:16 ng hapon nitong Biyernes habang sakay ng kaniyang motorsiklo si Awitan at patungo sa direksiyon ng city proper.

Pinagbabaril umano siya ng mga suspek gamit ang kalibre .45 na baril.

Isinugod pa si Awitan sa Tanauan Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

Kabilang sa mga sinusuri ng pulisya ang umano’y suntukan ng biktima at isang katrabaho sa city hall, gayundin ang posibleng kaugnayan ng pulitika o alitan sa trabaho.

Kaugnay na Balita