Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 12 Oktubre 2026 12 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 2-8-2
Negosyo

Xentro Mall, itatayo sa Puerto Galera

Itatayo ang mall sa Barangay Poblacion, na magkakaroon ng dalawang palapag at kabuuang lawak na 10,000 metro kuwadrado.

Ito ang ikalawang Xentro Mall sa isla ng Mindoro, kasunod ng naunang itinayo sa Calapan City.puerto galera public information office
I-share

PUERTO GALERA, Oriental Mindoro — Sisibulan na ang pagtatayo ng kauna-unahang mall sa bayan ng Puerto Galera matapos isagawa ang groundbreaking ceremony para sa Xentro Mall Puerto Galera nitong Biyernes.

Pinangunahan ni XRC Mall Developer Inc. Chairman Alexander Cruz ang seremonya, na dinaluhan ni Puerto Galera Mayor Robinhood Ilagan, dating Bongabong Mayor Elgin Malaluan at iba pang lokal na opisyal.

Itatayo ang mall sa Barangay Poblacion, na magkakaroon ng dalawang palapag at kabuuang lawak na 10,000 metro kuwadrado.

Mahigit ₱200 milyon ang ilalaan sa proyekto, na inaasahang matatapos sa loob ng 15 buwan.

Ito ang ikalawang Xentro Mall sa isla ng Mindoro, kasunod ng naunang itinayo sa Calapan City.

Inaasahang magbibigay ng dagdag na sigla sa ekonomiya ng Puerto Galera ang bagong mall, partikular sa sektor ng komersiyo, habang magbubukas din ito ng mga oportunidad sa trabaho at negosyo para sa mga residente.

Ang pagsisimula ng proyekto ay isa pang hakbang sa pagpapalawak ng mga pasilidad pangkomersiyo sa Puerto Galera, na kilala bilang isang pangunahing destinasyon ng turismo sa Oriental Mindoro.

Kaugnay na Balita