Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 9 Nobyembre 2026 9 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 6-2-3
Negosyo

Jollibee, McDonald’s, nakatakdang itayo sa bayan ng Naujan

Ayon kay Mayor Teves, patunay ito ng malaking tiwala ng mga negosyante sa kaniyang pamumuno.

Naujan Mayor Henry Joel TevesTBST News
I-share

NAUJAN, Oriental Mindoro  – Inihayag ni Mayor Henry Joel Teves na  pinaplantsa na ang pagtatayo ng mga branch ng dalawang fastfood chain s at isang banko sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Mayor Teves, may nakita ng lugar na pagtatayuan ang Jollibee at McDonalds’ sa Naujan pero hindi muna niya tinukoy kung saan partikular na lugar.

Nakipag-usap umano sa kaniya ang mga kinatawan ng mga nasabing fastfood chain, dalawang na ang nakararaan.

“nakipag-usap na sa atin ang McDonald’s at Jollibee… na gusto rin magtayo dito sa bayan ng Naujan… may nakita nang site sila” sabi ni Mayor Teves.

Itatayo rin ang branch ng Land Bank of the Philippines sa Barangay Barcenaga.

Maging ang Land Transportation Office o LTO ay magbubukas din ng tanggapan sa Naujan.

Ayon kay Mayor Teves, patunay ito ng malaking tiwala ng mga negosyante sa kaniyang pamumuno.

“Nakita nila na maunlad ang bayan ng Naujan, maraming proyekto , maraming nagtitiwala na negosyante na  naglalagak ng kapital dito sa bayan ng Naujan ” sabi pa ni Mayor Teves.

Nauna nang nagbukas ang isang branch ng Coffee Spot at  Petron Gas Station.

Kamakailan ay kinilala ang bayan ng Naujan bilang Grand Winner sa municipal level ng Gawad Luntian 2026 dahil sa maayos na sistema ng pagproseso ng business permits at mga serbisyong sumusuporta sa mga negosyante.

Ang Gawad Luntian ay ipinagkakaloob ng National Association of Business Permits and Licensing Officers bilang pagkilala sa mga lokal na pamahalaang nagsusulong ng mahusay na sistema sa business permits and licensing.

 

 

Kaugnay na Balita