CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Inihayag ng Calapan City Police Station na may person of interest (POI) na sila sa kaso ng pinaslang na nursing student sa Barangay Sapul.
Pero hindi muna nagbibay ng detalye ang mga otoridad sa pagkatao ng POI habang nagpapatuloy pa ang imbestigsyon.
Ang POI ay hindi awtomatikong suspek. Ito ay ang taong may mahalagang impormasyon na nalalaman na makakatulong para malutas ang kaso.
Patuloy din ang pangangalap ng binuong Special Investigation Task Group O SITG ng mga CCTV footage at paghahanap ng iba pang lead upang makilala ang suspek.
Hinihintay pa rin ng Calapan City Police ang resulta ng pagsusuri ng SOCO sa katawan ng biktima para matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.
Sadyang hindi pinangalanan ang biktima alinsunod sa umiiral na batas at alituntunin ng Supreme Court kaygnay sa pag-uulat sa mga balitang may kinalaman sa sexual abuse o rape.