Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 10 Nobyembre 2026 10 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 6-7-0
National

Teves ng Muntilupa City, kabilang sa 15 pinagkakatiwalaang Vice Mayor sa Pilipinas

Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula Oktubre 1 hanggang 15, 2026, kabilang si Teves sa mga opisyal na nakapagtala ng mataas na tiwala mula sa publiko.

Sinukat ang tiwala ng publiko batay sa integridad, kakayahang mamuno, pagiging madaling lapitan, pagtugon sa mga hinaing ng mamamayan at pagganap bilang pinuno ng Sangguniang Panlungsod.TBST News
I-share

Pasok sa 15 pinaka- pinagkakatiwalaang bise-mayor ng mga lungsod sa bansa si Muntinlupa City Vice Mayor Phanie G. Teves matapos makakuha ng 83.9 percent trust rating sa pinakahuling Sigaw ng Bayan National Trust Survey.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula Oktubre 1 hanggang 15, 2026, kabilang si Teves sa mga opisyal na nakapagtala ng mataas na tiwala mula sa publiko.

Nilahukan  ang survey ng 50,000 respondent sa buong bansa.

Sinukat ang tiwala ng publiko batay sa integridad, kakayahang mamuno, pagiging madaling lapitan, pagtugon sa mga hinaing ng mamamayan at pagganap bilang pinuno ng Sangguniang Panlungsod.

Isinagawa ang survey ng Media People’s Choice sa pamamagitan ng Sigaw ng Bayan, katuwang ang EuroTV News.

Gayunman, nilinaw ng mga nagsagawa ng survey na ang trust rating ay nakabatay sa pananaw ng mga respondent at hindi direktang sukatan ng dami ng naipasa na ordinansa o mga konkretong resulta ng trabaho ng isang opisyal.

Umaasa naman ang publiko na magsisilbing hamon sa mga halal na opisyal ang mataas na tiwalang ipinagkakaloob sa kanila upang higit pang pagbutihin ang paglilingkod sa mamamayan.

Kaugnay na Balita