Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 3 Nobyembre 2026 3 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 4-1-6
National

BANTAY EL NIÑO: 11 probinsya, posibleng makaranas ng tagtuyot bago matapos ang Nobyembre — PAGASA

Samantala, 57 lugar naman ang posibleng makaranas ng dry spell o ilang buwang kakulangan sa ulan, habang 11 lugar ang maaaring makaranas ng dry condition bago matapos ang buwan.

Isang sakahan sa Naujan,Oriental MindoroTBST News
I-share

MANILA –  Posibleng makaranas ng tagtuyot ang 11 probinsya sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao bago matapos ang Nobyembre, ayon sa PAGASA nitong Martes.

Kabilang sa mga posibleng maapektuhan ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Capiz, Negros Oriental, Leyte kabilang ang Tacloban City, Samar, Siquijor at Southern Leyte.

Kasama rin sa listahan ang Isabela City sa Basilan at Misamis Oriental, kabilang ang Cagayan de Oro City.

Samantala, 57 lugar naman ang posibleng makaranas ng dry spell o ilang buwang kakulangan sa ulan, habang 11 lugar ang maaaring makaranas ng dry condition bago matapos ang buwan.

Paliwanag ng PAGASA, maituturing na tagtuyot o drought ang sitwasyon kapag bumaba nang mahigit 60 porsiyento sa normal ang dami ng ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan, o kaya naman ay bumaba nang hindi bababa sa 20 porsiyento sa loob ng limang magkakasunod na buwan.

Ang dry spell naman ay tumutukoy sa below-normal rainfall sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan, habang dry condition kung dalawang buwan itong magkakasunod.

Ngayong Nobyembre, inaasahan ang mas mababa sa normal na pag-ulan sa Metro Manila, Northern Luzon, Marinduque, Romblon, Mindoro at ilang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region at Palawan.

Karamihan naman sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ay posibleng makaranas ng below-normal rainfall o mas kaunting pag-ulan kumpara sa karaniwan.

Samantala, posibleng pumalo sa 38 degrees Celsius ang temperatura sa mabababang lugar sa Mindanao at lumampas sa 37 degrees Celsius sa kapatagan ng Northern at Central Luzon.

Sa kabundukan naman ng Luzon, partikular sa Cordillera, posibleng bumaba sa 13 degrees Celsius ang temperatura, habang mas mababa sa 15 degrees Celsius sa matataas na bahagi ng Mindanao.

Kaugnay na Balita