Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 3 Nobyembre 2026 3 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 2-5-7
BREAKING Panahon

Pasok sa mga eskwelahan sa Mulanay, Quezon suspended dahil sa matinding init

Inaasahang aabot sa 42°C ang heat index sa lugar, na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan.

I-share

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Mulanay, Quezon ngayong Martes, Nobyembre 3, 2026, dahil sa matinding init ng panahon.

Sa anunsyo ng tanggapan ni Mayor Aristotle L. Aguirre, saklaw ng suspensiyon ang elementarya hanggang kolehiyo.

Inaasahang aabot sa 42°C ang heat index sa lugar, na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at school personnel alinsunod sa mga alituntunin ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 64, Series of 2026.

Pinapayuhan naman ang publiko na mag-ingat at iwasan ang matagal na pagbibilad sa ilalim ng araw upang maiwasan ang heat-related illnesses.

Kaugnay na Balita