Patuloy pang lumalakas ang Super Typhoon Rosal at taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 265 kilometro kada oras.
Batay sa ulat alas-11 ng gabi nitong Oktubre 20, 2026, namataan ang bagyo alas-10 ng gabi sa layong 1,150 kilometro silangan ng Hilagang Luzon.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Nananatili namang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunodo na lugar:
-
- Batanes, the eastern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Didicas Is.),
- the eastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Gattaran, Baggao, Peñablanca),
- the northeastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, San Pablo, Cabagan, Santa Maria, Tumauini, Ilagan City),
- and the northeastern portion of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)
Inaasahang lalo pang lalakas si Rosal at maaaring umabot sa 220 kilometro kada oras ang lakas ng hangin nito sa loob ng susunod na 12 oras.
Inaasahang kikilos ang bagyo pa-hilagang-kanluran sa Philippine Sea at posibleng manatili sa lakas ng isang super typhoon hanggang Huwebes.
Pinakamalapit ito sa Batanes sa pagitan ng Huwebes at Biyernes bago lumihis patungong silangan ng Taiwan.
Posibleng lumabas si Rosal sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa gabi ng Biyernes o madaling araw ng Sabado.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga residente sa mga lugar na nasa ilalim ng wind signal, na manatiling alerto at subaybayan ang mga susunod na abiso ng PAGASA.