Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 22 Oktubre 2026 22 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 5-3-7
National

Super Typhoon Rosal, bahagyang humina; Signal No. 2 nakataas pa rin sa Batanes

kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras patunong kanluran hilangang kanluran.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa : Batanes Northeastern portion ng Babuyan IslandsDOST-PAGASA
I-share

BANTAY BAGYO: SUPER TYPHOON ROSAL 

Bahagyang humina ang Super Typhoon Rosal  habang patuloy itong kumikilos sa direksyon na kanluran hilagang kanluran sa karagatan ng silangan ng Batanes.

Kaninang 10:00 ng umaga, araw ng Huwebes, namataan ang sentro ng mata ng Super Typhoon Rosal sa layong 400 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 230 kilometro bawat oras habang ang central pressure nito ay umaabot sa 925 hPa.

Sa kasalukuyan, kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras patunong kanluran hilangang kanluran.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa :

  1. Batanes
  2. Northeastern portion ng Babuyan Islands

Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa:

  1.  Rest of Babuyan Islands
  2. Mainland Cagayan
  3.  Eastern portion ng Isabela ( Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, San Pablo, Ilagan City, San Marianom Dinapigue
  4. Ilocos Norte
  5. Apayao

 

 

 

 

Kaugnay na Balita