Nadagdagan pa ang mga lugar na inilagay sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 habang patuloy na lumalakas ang Super Typhoon Rosal.
Kabilang sa mga lugar na ito ay ang mga sumusunod:
- Batanes,
- Babuyan Islands,
- mainland Cagayan,
- the eastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, San Pablo, Ilagan City, San Mariano, Dinapigue),
- the northern and central portions of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol, Kabugao),
- the northeastern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams),
- and the northeastern portion of Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)
Huling namataan ang sentro ng mata ng Super Typhoon Rosal sa layo na 990 kilometro silangan ng Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 215 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 265 km/h.
Kumikilis ang bagyo sa bilis na 30 km/h patunong kanluran hilangang kanluran na direksyon.