Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 27 Oktubre 2026 27 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-7-8
National

Mga biyahero sa ilang pantalan ngayon Undas, kailangan kumuha ng ORAS reservation

Sa pamamagitan ng ORAS, maaaring magpareserba ang mga pasahero sa tatlong simpleng hakbang: Scan, Choose, at Reserve.

abilang sa mga pantalan na saklaw ng sistema ang Lucena, Balanacan, Batangas, at Calapan.TBST News
I-share

BATANGAS CITY –  Muling ipinatupad  ng Philippine Ports Authority (PPA) ang Online Reservation Assistance System o ORAS upang maayos na mapangasiwaan ang inaasahang dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan noong Undas 2026.

Sa ilalim ng sistema, kinailangang magkaroon ng kumpirmadong booking sa pamamagitan ng ORAS app ang mga pasaherong sasakay ng barko sa mga piling pantalan.

Muling inilunsad ng PPA ang sistema bilang bahagi ng paghahanda sa pagdami ng mga biyahero, ayon kay Assistant General Manager for Operations Atty. Mark Jon Palomar.

Sa pamamagitan ng ORAS, maaaring magpareserba ang mga pasahero sa tatlong simpleng hakbang: Scan, Choose, at Reserve.

Kabilang sa mga pantalan na saklaw ng sistema ang Lucena, Balanacan, Batangas, at Calapan.

Sinimulan ang pagpapatupad ng ORAS noong Oktubre 24, 2026, upang makapagpareserba ang mga biyahero para sa kanilang biyahe ngayong Undas.

Ayon sa PPA, layunin ng sistema na mapahusay ang pamamahala sa dami ng mga pasahero, maiwasan ang pagsisikip sa mga pantalan, at matiyak ang mas maayos at episyenteng paglalakbay ng publiko ngayong panahon ng Undas.

Kaugnay na Balita