Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 27 Oktubre 2026 27 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-7-8
Featured

Christmas Village sa Pola, Oriental Mindoro, papailawan na sa Biyernes

Si Ice Seguerra ang guest performer sa Parol at Pailaw Festival ng Pola

Sa Biyernes na ng 5:00 pm papailawan ang Christmas Village sa Pola, Oriental MindoroPola Tourism, History , Culture and Arts
I-share

POLA, Oriental Mindoro – Inaabangan na ang taunang Christmas Village sa Pola, Oriental Mindoro na dinarayo ng mga namamasyal mula pa sa iba-ibang lugar sa Oriental Mindoro.

Sa anunsyo ng Pola Tourism, History , Culture and Arts, isasagawa ang grand opening ng Parol at Pailaw Festival 2026 sa darating na Biyernes, October 30 sa harap ng munisipyo ng Pola.

Ayon kay Pola Mayor Jennifer “Ina Alegre” Cruz, ang singer na si Ice Seguerra ang panauhin at magbibigay ng saya sa pagbubukas ng kaabang-abang na Parol at Pailaw Festival.

Hinihikayat ni Mayor Cruz ang lahat na magtungo sa Pola sa ganap na ala-singko ng hapon para saksihan ang makulay at maliwanag na pagbubukas ng Parol at Pailaw Festival.

Taun-taon nang tradisayon sa Pola ang pagbubukas ng Christmas Village na laging nauuna sa lahat ng bayan sa Oriental Mindoro.

 

Kaugnay na Balita