Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 10 Nobyembre 2026 10 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 6-7-0
CALABARZON

Mag-ama, natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa GMA, Cavite

Narinig pa umano ng kapitbahay ang anak na sumisigaw ng "Tama na po, tatay!".

Sa report ng GMA Police, nadiskubre ang bangkay ng mag-ama malapit sa comfort room.gma police
I-share

GMA, Cavite –  Natagpuang patay sa mga saksak ang isang 48 taong gulang na ama at kaniyang 22 anyos anak na babae sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Delas-Alas sa Gen. Mariano Alvarez sa Cavite noong Linggo ng hapon.

Sa report ng GMA Police, nadiskubre ang bangkay ng mag-ama malapit sa comfort room.

Nadiskubre ang krimen nang humingi ng tulong sa kamag-anak ang asawa at ina ng mga biktima na nagtatrabaho sa Maynila dahil hindi sila sumasagot sa telepono.

Nang puntahan ng kamag-anak, napag-alaman na nakakandado ang pinto.

Nagvideo ang kamag-anak sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pagpasok ng cellphone sa bukas na bintana at doon nahagip ang isang bahagi ng katawan ng  biktima.

Doon na pinuwersang bukasan ang pintuan hanggang sa madiskubre ang mga bangkay.

Lumalabas sa imbestigasyon na walang palatandaan na pwersahang pinasok ang bahay.  Personal na alitan sa pamilya umano ang motibo sa krimen.

Narinig pa umano ng kapitbahay ang anak na sumisigaw ng “Tama na po, tatay!”.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring krimen para matukoy ang puno’t dulo nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kaugnay na Balita