Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 10 Nobyembre 2026 10 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-3-4
MIMAROPA

P50-M assistance, tinanggap ni Gov. Gadiano mula sa Malacañang para sa rehabilitasyon ng mga nasira ng nagdaang mga bagyo

Nilinaw naman ni Gadiano na hindi maaaring gamitin ang pondo sa pagbili ng relief goods o pagtatayo ng mga bagong imprastrakturang walang kaugnayan sa rehabilitasyon ng mga nasira.

Tumanggap din ng hiwalay na tulong-pinansyal ang ilang bayan sa lalawigan, kabilang ang Abra de Ilog, Looc, Lubang, Mamburao, Sablayan at Santa Cruz. Nagkakaiba naman ang halaga ng pondong inilaan sa bawat lokal na pamahalaan na nasa P5 to P10-M.SCREENGRABBED FROM RTVM
I-share

MANILA – Nakatanggap ng 50 milyong pisong tulong-pinansyal mula sa Malacañan ang Provincial Government of Occidental Mindoro para sa rehabilitasyon ng mga imprastrakturang nasira ng mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay Governor Eduardo Gadiano, kasalukuyan nang naghahanda ang pamahalaang panlalawigan ng mga project proposal upang matukoy ang mga kalsada, tulay at iba pang pampublikong pasilidad na nangangailangan ng agarang pagkukumpuni.

Popondohan  ang mga proyektong ito sa ilalim ng Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program o DRRAP na natanggap ng pamahalaang panlalawigan.

Nilinaw naman ni Gadiano na hindi maaaring gamitin ang pondo sa pagbili ng relief goods o pagtatayo ng mga bagong imprastrakturang walang kaugnayan sa rehabilitasyon ng mga nasira.

Hindi rin saklaw ng programa ang mga proyektong nakapaloob na sa Annual Investment Program o dati nang nakalaan ang pondo.

Bukod sa mga imprastraktura, isasaalang-alang din umano ng pamahalaang panlalawigan ang pangangailangan ng mga magsasaka at iba pang residenteng naapektuhan ang kabuhayan at ari-arian ng mga nagdaang kalamidad.

Samantala, tumanggap din ng hiwalay na tulong-pinansyal ang ilang bayan sa lalawigan, kabilang ang Abra de Ilog, Looc, Lubang, Mamburao, Sablayan at Santa Cruz. Nagkakaiba naman ang halaga ng pondong inilaan sa bawat lokal na pamahalaan na nasa P5 to P10-M.

Pinasalamatan ni Gadiano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tulong na aniya’y malaking bagay upang maisaayos ang mga nasirang imprastraktura, kabilang ang isang tulay na hanggang ngayon ay nakatagilid at nangangailangan ng rehabilitasyon.

“Nagpapasalamat kami sa ating presidente  sa kaniyang tulong na ito dahil  malaking tulong ito para doon sa mga nasirang mga pasilidad natin ,mga kalsada, mga tulay ” sabin ni Gadiano.

Sa seremonyal na turnover ng DRRAP funds sa Malacañang, iginiit naman ni Pangulong Marcos na dapat gamitin ang kabuuang 8.6 bilyong pisong tulong sa mga lokal na pamahalaang sinalanta ng kalamidad para lamang sa rehabilitasyon at rekonstruksyon.

Inatasan din ng Pangulo ang mga lokal na opisyal na tiyakin ang transparency at accountability sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Binigyang-diin niyang hindi dapat magkaroon ng mga ghost project, kickback at substandard na konstruksyon upang matiyak na direktang mapapakinabangan ng mga komunidad na nasalanta ng kalamidad ang pondong nagmumula sa kaban ng bayan.

Kaugnay na Balita