Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 24 Oktubre 2026 24 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 0-3-0
Showbiz

Dating staff na nagsampa ng kaso kay Board Member Angelica Jones, sinibak dahil sa iregularidad sa trabaho

Ayon kay Jones, tinanggal na sa trabaho si Alaisa noong 2025 dahil sa umano’y iba’t ibang isyung kinakaharap nito.

Laguna Third District Board Member Angelica Jones- Alarvafacebook page
I-share

LAGUNA – Pumalag si Laguna Third District Board Member Angelica Alarva-Jones sa kasong administratibo na isinampa laban sa kaniya ng dati niyang staff na si Samantha Alaisa dahil sa umano’y verbal abuse at mental abuse.

Ayon kay Jones, tinanggal na sa trabaho si Alaisa noong 2025 dahil sa umano’y iba’t ibang isyung kinakaharap nito.

Kabilang umano sa mga dahilan ang madalas na pagliban ni Alaisa sa trabaho, mga isyu sa katapatan, at mga iregularidad sa paghawak at pagproseso ng mga dokumentong may kaugnayan sa tanggapan ni Jones at ni Laguna Governor Sol Aragones.

Inakusahan din ni Jones si Alaisa ng umano’y pagsasabotahe at pag-iipit ng mga dokumentong may kaugnayan sa mga programa nila ni Aragones.

Ayon kay Jones, layunin umano ng mga naturang hakbang na maapektuhan ang paghahatid ng serbisyo sa publiko at masira ang tiwala ng mga alkalde at opisyal ng barangay.

Kaugnay na Balita