Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 23 Oktubre 2026 23 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 1-5-8
CALABARZON

Cabuyao City Hospital, handa na sa Level 2 classification; mga bagong pasilidad, pinasinayaan

Kabilang sa mga bagong pasilidad na inilunsad ang Dietary Section, Emergency Waiting Area, at dalawang elevator sa pangunahing gusali ng ospital.

I-share

CABUYAO CITY, Laguna — Pinalalawak at pinabubuti ng pamahalaang lungsod ng Cabuyao ang mga pasilidad ng Cabuyao City Hospital bilang paghahanda sa target nitong makamit ang Level II hospital classification.

Ang mas pinagandang Cabuyao City Hospital para sa mas maayos na serbisyosouthpost ph

Kabilang sa mga bagong pasilidad na inilunsad ang Dietary Section, Emergency Waiting Area, at dalawang elevator sa pangunahing gusali ng ospital.

Handa na ang Cabuyao City Hospital na maging Level 2 matapos pagandahin ni Mayor Dennis Hain ang mga pasilidad.SOUTHPOST PH

Isa sa mga elevator ay inilaan para sa mga persons with disabilities (PWDs), buntis, senior citizen, at iba pang nangangailangan ng mas madaling pag-access sa mga pasilidad.

Pinahusay din ang kusina at dietary section sa pamamagitan ng mas malinis at modernong disenyo at paggamit ng mga kagamitang stainless steel. Naglagay rin ng naka-air condition na waiting area upang maging mas komportable ang mga pasyente at kanilang mga kasama habang naghihintay ng serbisyong medikal.

Cabuyao City Mayor Dennis Hain

Bukod dito, nagdagdag ang ospital ng generator set upang makatulong na matiyak ang pagpapatuloy ng operasyon nito.

Ayon kay Cabuyao City Mayor Dennis “Denha” Hain, naging posible ang mga pagpapabuti dahil sa maayos na ugnayan at pagtutulungan ng city executive at Sangguniang Panlungsod.

Nagpasalamat din ang alkalde sa board of directors at mga kawani ng ospital sa kanilang suporta sa pagpapahusay ng serbisyong pangkalusugan sa lungsod.

Kapag nakamit ang Level II classification, inaasahang mapalawak pa ang kakayahan ng Cabuyao City Hospital na tumugon sa pangangailangan ng mas maraming pasyente.

Ayon sa pamahalaang lungsod, inaasahang ito ang magiging kauna-unahang ospital na pag-aari ng isang local government unit (LGU) sa Laguna na makakamit ang nasabing klasipikasyon.

Kasabay ng paglulunsad ng mga bagong pasilidad, ginawaran din ng insentibo at pagkilala ang mga natatanging kawani ng ospital bilang pagpapahalaga sa kanilang dedikasyon at malasakit sa mga mamamayan.

Quarterly na isinasagawa ang pagkilala sa mga kawani upang mahikayat silang higit pang pagbutihin ang kanilang trabaho at mapanatili ang kalidad ng serbisyong medikal.

Patuloy namang nakatuon ang pamahalaang lungsod sa pag-upgrade ng mga pasilidad at pagpapalakas sa kakayahan ng mga healthcare worker upang makapaghatid ng mas maayos at episyenteng serbisyong pangkalusugan sa mga Cabuyeño.

Kaugnay na Balita