Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 23 Oktubre 2026 23 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 1-5-8
CALABARZON

Bata na tinangay sa eskwelahan sa Calamba City, natagpuan sa simbahan sa Tanay,Rizal

Madungis na ang bata at gutom na gutom ng matagpuan

Kapiling na muli ng kaniyang ina ang 5 taong gulang na bata na dinukot sa school sa Calamba City, LagunaErica Jane Crystal
I-share

LAGUNA – Natagpuan na ang 5 taong gulang na bata na tinangay  sa eskwelahan sa Calamba City, Laguna ng lalaking dating kinakasama ng kaniyang lola.

Ayon kay Erica Jane Crystal, nakita ang kaniyang anak sa simbahan sa Tanay, Rizal.

Isang tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang natanggap  upang ipaalam na natagpuan ang bata.

Sabi ni Erica, may nakasulat na contact number  at pangalan ng mama sa notebook na bitbit ng kaniyang anak kaya  natawagan siya.

Pero iba na ang suot na damit ng bata at madungis na ito ng matagpuan, may kalyo at may kaunting sugat dahil umano sa kakalakad.

Kwento umano ng bata, mula ng tangayin siya ng suspek ay hindi na siya pinakain.

Wala umanong pera ang suspek at sumakay sa jeep ng  hindi nagbabayad.

Sa isang nakaparadang jeep lamang umano sila natutulog.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad sa suspek.

 

 

Kaugnay na Balita