Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 22 Oktubre 2026 22 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 5-3-7
CALABARZON

Estudyante, sugatan matapos masaksak ng kapwa estudyante sa labas ng eskwelahan sa San Pedro City

Nag-ugat umano ang pananaksak sa dati ng insidente ng pambubogbog.

I-share

SAN PEDRO CITY, Laguna  –  Sugatan ang isang 15 anyos na lalaking estudyante matapos na masaksak ng isang 16 anyos na estudyante rin s labas ng kanilang eskwelahan sa Barangay Landayan, San Pedro City, Laguna.

Ayon sa inisyal na impormasyon na nakalap ng TBST News , nangyari ang insidente mag-aalas-tres ng hapon nitong Miyerkoles paglabas ng mga estudyante sa eskwelahan.

Nag-ugat umano ang pananaksak sa dati ng insidente ng pambubogbog.

Inabangan umano ng biktima at mga kasama nito ang suspek sa labas ng eskwelahan pero ang hindi niya alam na may dalang patalim pala.

Nagkainitan nasaksak ng suspek ang biktima na itinakbo sa ospital pero nasa maayos ng kondisyon.

Naawat kaagad ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek.

Narekober din ang patalim na ginamit na itinapon ng suspek

Hawak na ng City Social Welfare Office ang 16 anyos na estudyante matapos na i-turn over ng mga rumespondeng pulis dahil itinuturing siyang child in conflict with the law o CICL.

Kaugnay na Balita