LIPA CITY, Batangas – Ihahatid na sa huling hantungan ngayong Huwebes ang architecture student na pinaslang habang pauwi sa kanilang tahanan sa Barangay Duhatan.
Pero hanggang sa araw ng kaniyang libing wala pa rin na matukoy na suspek ang Lipa City Police Station sa pagpatay kay Jazmine Iya Martinez, 20 anyos.
Inaasahang banddang alas-12:00 ng tanghali ang misa para kay Jazmine sa Sto. Niño Parish Church,
Habang ihihimlay siya sa Haven Of Infinity cemetery.
Buhos ang mga nakikidalamhati sa pamilya ni Jazmine na nakikiisa sa paghahanap ng katarungan at panawagan sa mga otoridad para maresolba ang kaso.
Higit isang linggo na buhat ng mangyari ang krimen pero hindi pa rin umuusad ang kaso.
Miyerkoles ng gabi ng pagsasaksakin ang third year college student ng National University-Lipa habang naglalakad pauwi ng bahay galing eskwelahan ng isang sakay ng minamanehong motorsiklo.