Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 22 Oktubre 2026 22 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 5-3-7
CALABARZON

8 suspek sa pagpatay kay Brgy. Chairman Dennis Austria, kinasuhan na ng murder

Pitong iba pa ang pinaghahanap ng mga otoridad

Si Alyas Ben na drayber ng motorsiklo na sinakyan ng mga suspek sa pagtakas matapos maaaresto ng mga otoridad sa Barangay Balagtasin, San Jose, Batangas.CONTRIBUTED PHOTO
I-share

BATANGAS –   Sinampahan na ng kasong murder sa Office of the City Prosecutor  ng Sto. Tomas City, Batangas ang walong sangkot sa pagpatay kay Brgy. Sta. Anastacia Chairman Dennis Austria.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office, kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina Alyas Ben, Arnold, Bernard, Joey, Kevin, Kepoy, Kuya Fernand at Alyas 1st.

Tanging si Alyas Ben pa lamang ang naaresto ng mga otoridad noong 12:05 ng madaling araw noong Martes sa Barangay Balagtasin, San Jose, Batangas,

Patuloy pa rin na pinaghahanap ang pitong iba pa kabilang na ang mastermind, gunman at isang barangay kagawad.

Si Alyas Ben ang natukoy na drayber ng motorsiklo na ginamit sa pagtakas ng mga suspek matapos maisagawa ang krimen.

Kita sa CCTV footage  na lumipat pa siya sa isang kotse matapos ang insidente.

Narekober din ang nasabing kotse na nakarehistro sa suspek.

 

 

Kaugnay na Balita