Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 22 Oktubre 2026 22 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 1-5-8
CALABARZON

Misis patay sa pamamaril ng asawa na guwardiya sa harap ng Ynares Center sa Antipolo City dahil sa sustento

Away sa sustento sa mga anak ang motibo sa pamamaril.

Naaresto ang suspek na miyembro ng Rizal Provincial Security Group matapos pagbabarilin ang asawa dahil sa away sa sustento sa mga anak.antipolo city police
I-share

ANTIPOLO CIY, Rizal –   Patay ang isang ginang matapos pagbabarilin  ng kaniyang mister na miyembro ng Rizal Provincial Security Group  (PSG)  sa harap ng Ynares Center sa Sumulong Memorial Circle  sa Barangay San Roque, Antipolo City Rizal bandang 11:45 ng umaga nitong Huwebes.

Ayon kay Mayor Jun Ynares III, pumanaw sa ospital ang biktima na residente ng Taytay,Rizal.

Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis at mga tauhan ng Rizal Provincial Security Group ang suspek.

Sa imbestigasyon, bago ang insidente, nag-usap muna ang mag-asawa sa Human Resources (HR) Office ng   Rizal Provincial Government  kaugnay sa n napagkasunduan sa DSWD  na sustento sa kanilang anak matapos magreklamo ang biktima.

Matapos ang pag-uusap ay bumalik na umano sa kaniyang trabaho bilang guwardiya sa gate ng Ynares Center ang suspek pero nang makita niya ang kaniyang misis ay bumunot siya ng baril at ilang beses itong pinagbabaril.

Itinakbo ang biktima sa ospital pero binawian din ng buhay dahil sa dami ng tama na tinamo sa iba-ibang parte ng katawan.

Narekober naman ng mgma otoridad ang baril na ginamit ng suspek.

Nakakulong na ang suspek sa Antipolo City Detention Center at inihahanda na ang kaso laban sa kaniya.

 

 

 

Kaugnay na Balita