Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 22 Oktubre 2026 22 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 1-5-8
CALABARZON

5 anyos na estudyante, tinangay ng lalaki sa eskwelahan sa Calamba City

Dating kinakasama ng lola ang tumangay sa bata

Si Timothy Malubay na tinangay sa eskwelahan sa Looc, Calamba City, Laguna ng lalaking dating kinakasama ng kaniyang lola.TBST News
I-share

CALAMBA CITY , Laguna – Tinangay  ng isang lalaki ang isang limang taong gulang na bata mula sa paaralan nito sa Calamba City, Laguna, nitong Martes, Oktubre 20.

Nagmamakawa ngayon ang ina ng bata na isauli na  si  Timothy Malubay, kindergarten pupil sa Looc, Calamba City, Laguna.

Ayon kay Erica Jane Crystal, pauwi na ang kanyang anak nang samantalahin umano ng suspek ang pagiging  abala ang guro sa pag-aasikaso sa iba pang estudyante.

Kusang sumama ang bata sa lalaki dahil kilala na nito ang suspek, na dati umanong kinakasama ng kanyang lola at nag-aalaga rin sa kanya.

Hindi na maitago ni Crystal ang matinding pag-aalala sa kalagayan ng kanyang anak, lalo’t hindi niya alam kung ligtas ito at kung nakakakain nang maayos.

“Ibalik mo na yung anak ko, kasi hindi ko alam kung safe ba siya, kumakain ba siya,” panawagan ng ina.

Wala rin umanong maisip na dahilan ang lola ng bata kung bakit isinama ng dati niyang kinakasama ang kanyang apo.

Samantala, bumuo na ng Special Investigation Team ang Calamba Component City Police Station upang tutukan ang kaso at matukoy ang kinaroroonan ng bata at ng suspek.

Nanawagan ang pulisya sa suspek na mahinahong isuko ang bata sa pamilya nito. Maaari rin umanong iwan ang bata sa pinakamalapit na barangay hall upang ligtas itong makuha ng mga awtoridad.

Sa mga may impormasyon maaaring makipag-ugnayan kay Erica Jane Crystal sa  0921 451 2444.

Kaugnay na Balita