Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 23 Oktubre 2026 23 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-2-4
MIMAROPA

Castillo, nanumpa na bilang bagong Mayor ng Baco, Oriental Mindoro; Najito, bagong Vice Mayor

Nanumpa ng katapatan sa kanilang bagong tungkulin sina Castillo at Najito kina Municipal Local Government Operations Officer Amelia Ramos at Barangay Sta. Rosa 1 Chairman Jerry Villaruel.

Naupo na bilang bagong Mayor sina Brederick Castillo at Jay Najito bilang Vice Mayor ng Baco, Oriental Mindoro.BACO PUBLIC INFORMATION OFFICE
I-share

BACO, Oriental Mindoro  – Pormal nang naupo bilang bagong mayor ng Baco, Oriental Mindoro si dating Vice Mayor Brederick V. Castillo nitong Biyernes, Oktubre 23, kasunod ng pagtanggal sa puwesto kay dating Mayor Allan Roldan dahil sa kasong grave misconduct.

Naupo na rin  bilang bagong Vice Mayor si Jay Lorence Najito, na dating unang konsehal ng bayan at awtomatikong hahalili sa posisyon matapos maging bakante ang puwesto ng bise alkalde.

Nanumpa ng katapatan sa kanilang bagong tungkulin sina Castillo at Najito kina Municipal Local Government Operations Officer Amelia Ramos at Barangay Sta. Rosa 1 Chairman Jerry Villaruel.

Sa desisyong may petsang Marso 6, 2026, sinabi ng Office of the Ombudsman na may sapat na ebidensiya upang panagutin si Roldan sa kasong administratibo matapos matukoy ang conflict of interest na may kaugnayan sa kaniyang pinansiyal na interes sa ilang proyektong pang-imprastraktura ng munisipalidad.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Baco na normal ang lahat ng transaksyon sa lahat ng tanggapan ng munisipyo sa kabila ng pagpapalit ng liderato.

Kaugnay na Balita