CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Nagwagi ang Mindoro Tamaraw kontra Basilan Steel sa kanilang laban sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na ginanap sa City Sports Coliseum sa Calapan City.
Nagdulot ng malaking saya at pagmamalaki sa mga Mindoreño ang panalo ng Mindoro Tamaraw matapos nitong magtagumpay laban sa Basilan Steel sa harap ng maraming manonood.
Buo namang ipinakita ng mga taga-Naujan ang kanilang suporta sa koponan sa pamamagitan ni Mayor Henry Joel C. Teves, na dumalo sa laro at nakisaya sa mga kababayang Mindoreño.
Kasama rin sa mga dumalo si Calapan City Mayor Doy Leachon, gayundin ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan.
Ang Mindoro Tamaraw ay pagmamay-ari ni Pola Mayor Jennifer “Ina Alegre” Cruz. Naging tampok sa laban ang mainit na suporta ng mga tagahanga na dumagsa sa City Sports Coliseum upang ipakita ang kanilang suporta sa kinatawan ng Mindoro sa MPBL.
Bukod sa Mindoro Tamaraw at Basilan Steel, dumalo rin ang mga kinatawan at koponan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Imus, Cavite, bilang bahagi ng patuloy na kompetisyon sa MPBL.
Ang tagumpay ng Mindoro Tamaraw ay muling nagbigay ng pagkakataon sa mga Mindoreño na ipakita ang kanilang suporta at pagmamahal sa basketball.