CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Nakiisa sina Naujan Mayor Henry Joel C. Teves at iba pang local officials sa pagsuporta at pagbubunyi sa Mindoro Tamaraw matapos nitong talunin ang Basilan Steel sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa City Sports Coliseum sa Calapan City.
Dumalo si Mayor Teves sa laro upang personal na suportahan ang Mindoro Tamaraw, na pagmamay-ari ni Mayor Jennifer “Ina Alegre” Cruz ng Pola, Oriental Mindoro.
Kasama rin sa mga nakiisa sa laban si Calapan City Mayor Doy Leachon, gayundin ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan at mga tagasuporta ng koponan.
Puno ng mga manonood ang City Sports Coliseum, na nagpakita ng matinding suporta ng mga Mindoreño sa kanilang koponan.
Nagbunyi naman ang mga tagahanga matapos makuha ng Mindoro Tamaraw ang panalo kontra Basilan Steel, na naghatid ng saya at pagmamalaki sa mga sumuporta sa koponan.
Ipinakita rin ng laban ang patuloy na suporta ng mga lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa mga atletang Mindoreño na kumakatawan sa lalawigan sa pambansang kompetisyon.