Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 1 Oktubre 2026 1 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-4-6
National

Marcos, pangungunahan ang gobyerno sa paghahanda sa ‘Super El Niño’

Kabilang sa mga ahensyang naghahanda para sa posibleng epekto ng El Niño ang DOST-PAGASA, Department of Agriculture (DA), National Irrigation Administration (NIA), National Water Resources Board at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Hinimok naman ng Malacañang ang publiko na makiisa sa pagtitipid ng tubig bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño.TBST News
I-share

MANILA – Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang ng pamahalaan para harapin ang inaasahang epekto ng tinatawag na “Super El Niño” sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, si Marcos mismo ang nangunguna sa mga pagpupulong at nagbibigay ng mga tagubilin kung ano ang dapat gawin ng pamahalaan.

Patuloy namang pinag-uusapan kung aling ahensya ang mangunguna sa Task Force El Niño.

Kabilang sa mga ahensyang naghahanda para sa posibleng epekto ng El Niño ang DOST-PAGASA, Department of Agriculture (DA), National Irrigation Administration (NIA), National Water Resources Board at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Castro, nagsasagawa na ng mga pagpupulong ang mga ahensya upang mapaghandaan ang inaasahang tagtuyot at kakulangan sa tubig.

Naghahanda rin ang pamahalaan ng pondo para sa mga hakbang kaugnay ng climate information, agrikultura at pagkain, irigasyon, suplay ng tubig at social protection.

Hinimok naman ng Malacañang ang publiko na makiisa sa pagtitipid ng tubig bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño.

Ayon kay Castro, malaking tulong sa pamahalaan ang pagtitipid ng tubig ng bawat pamilya sa kanilang mga tahanan.

Kaugnay na Balita