Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 1 Oktubre 2026 1 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-4-6
National

Higit 500 housing units target itayo sa Oriental Mindoro sa ilalim ng Expanded 4PH

Isa sa mga planong proyekto ang Phase 1 ng Amica Residences sa Barangay Canubing 1, Calapan City, kung saan mahigit 500 housing units ang target na maitayo.

Isa sa mga planong proyekto ang Phase 1 ng Amica Residences sa Barangay Canubing 1, Calapan City, kung saan mahigit 500 housing units ang target na maitayo.PIA ORIENTAL MINDORO
I-share

CALAPAN CITY — Nasa 571 housing units ang target na maitayo sa Oriental Mindoro sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o Expanded 4PH, na layong magbigay ng mas abot-kayang pabahay sa mga kwalipikadong pamilya at manggagawa.

Tinalakay ng Rabino Home Builders Corp. at Pag-IBIG Fund Calapan Branch ang mga planong socialized housing project sa Calapan City at iba pang piling bayan sa lalawigan.

Isa sa mga planong proyekto ang Phase 1 ng Amica Residences sa Barangay Canubing 1, Calapan City, kung saan mahigit 500 housing units ang target na maitayo.

Ayon kay Rabino Home Builders Corp. Chief Executive Officer Orven Rabino, layunin ng mga proyekto na magbigay ng karagdagang opsyon sa mga kwalipikadong lokal na pamilya at manggagawang naghahanap ng abot-kayang sariling tahanan.

Dagdag ni Rabino, nasa permitting stage na ang proyekto.

Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Calapan Branch head Atty. Mark Sean Arjona na maaaring magbigay ng oportunidad ang mga planong proyekto sa mga Mindoreñong naghahanap ng accessible at abot-kayang pabahay.

Bahagi ang mga planong pabahay sa pagsisikap na mapalawak ang access sa socialized housing sa Oriental Mindoro at mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong benepisyaryo na magkaroon ng sariling tahanan.

Inaasahang ilalabas pa ang mga detalye kaugnay ng kwalipikasyon ng mga maaaring makinabang, financing terms at iskedyul ng pagpapatupad habang umuusad ang proyekto.

Kaugnay na Balita