Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 31 Oktubre 2026 31 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-5-3
CALABARZON

Terminal Fee sa Lucena Port, libre hanggang Dec. 31,2026

Layunin ng hakbang na maibsan ang gastusin ng mga pasahero at mapaganda ang kanilang karanasan sa paglalakbay.

Kayang mag-accommodate ng hanggang isang libong pasahero ang bagong terminal sa Lucena Port, kaya mas komportable ang paghihintay ng mga biyahero bago sumakay sa kanilang mga barko.PHILIPPINE PORTS AUTHORITY / HANDOUT
I-share

LUCENA CITY – Mas maginhawa at hindi gaanong mabigat sa bulsa ang biyahe ng mga pasaherong uuwi sa mga isla ng Marinduque at Romblon ngayong Undas dahil sa mga bagong pasilidad at serbisyong inilaan sa Port of Lucena sa Quezon.

Bukod sa bago at mas maluwag na Passenger Terminal Building, pansamantalang libre rin ang Passenger Terminal Fee matapos suspendihin ng Philippine Ports Authority o PPA ang paniningil nito hanggang Disyembre 31, 2026.

Layunin ng hakbang na maibsan ang gastusin ng mga pasahero at mapaganda ang kanilang karanasan sa paglalakbay.

Mayroon ding libreng shuttle bus service sa Port of Lucena at sa Terminal Management Office o TMO sa Balanacan Port sa Marinduque upang mas mapadali ang paggalaw ng mga biyahero.

Kayang mag-accommodate ng hanggang isang libong pasahero ang bagong terminal sa Lucena Port, kaya mas komportable ang paghihintay ng mga biyahero bago sumakay sa kanilang mga barko.

Mayroon din itong 144 solar panels na nagsusuplay ng renewable energy para sa operasyon ng pantalan.

Kabilang sa mga pangunahing rutang siniserbisyuhan ng mga barkong bumibiyahe mula Lucena Port ang mga isla ng Marinduque at Romblon.

Sa monitoring naman ng PPA, nananatiling maayos at organisado ang sitwasyon sa pantalan, at wala pang naitatalang pagsisiksikan ng mga pasahero.

Kaugnay na Balita