REAL, Quezon – 4 ang nagtamo ng bahagyang sugatamatapos na tumagilid ang RoRo passenger vessel na Starhorse sa Ungos Port sa Real, Quezon pasado alas-12 ng hatinggabi, ayon kay Ricky Poblete, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO.
Galing sa Polillio Island ang RoRo at nakadaong na nang tumagilid habang nagbababa na ng mga pasahero at sasakyan.

May 58 pasahero ang barko pero karamihan umano ay nakababa na ng barko ng tumagilid ito.
Ilan sa sasakyan naman ang nakasama sa pagtagilid ng barko.
Ayon kay Poblete, sinabi umano ng kapitan na naputol ang tali na nakakabit sa barko patungo sa pier kaya tumagilid ito.