Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 31 Oktubre 2026 31 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-5-3
MIMAROPA

Ahente ng palay, natagpuang patay sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro; ₱100K, nawawala

May 2 ahente ng palay ang persons of interest na ang mga otoridad

Sinisiyasat ng PNP-SOCO ang crime scene kung saan natagpuan ang bangkay ng biktimang si Edmund Tardio sa taniman ng mais sa Sitio Amnay, Barangay Barahan, Sta. Cruz, Occidental Mindorooccidental mindoro pnp- pio
I-share

STA. CRUZ, Occidental Mindoro – Natagpuang patay sa loob ng isang taniman ng mais ang isang 35-anyos na ahente ng palay na ilang araw nang nawawala sa Sitio Amnay, Barangay Barahan, Sta. Cruz, Occidental Mindoro, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si John Edmon Tardio na natagpuan dakong alas-9:39 ng umaga na may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PLtCol. Xelacor Marie Garcia, tagapagsalita ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, mayroon nang dalawang person of interest ang pulisya na iniimbestigahan kaugnay ng krimen.

Kapwa rin umano ahente ng palay ang dalawang person of interest, ngunit hindi pa sila itinuturing na mga suspek at maaaring may mahalagang impormasyong makatulong sa paglutas ng kaso.

Sa paunang imbestigasyon, iniulat ng asawa ni Tardio ang pagkawala nito sa Sta. Cruz Police Station noong Oktubre 28. Huli siyang nakitang sakay ng kaniyang motorsiklo.

Bago ang pagkawala, umano’y nakipag-inuman pa ang biktima sa dalawang person of interest.

Tinitingnan din ng mga imbestigador ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang ₱100,000 na dala ng biktima.

Ayon sa impormasyon, perang ipinagkatiwala sa kaniya ng isang financier ang naturang halaga upang ipambili ng palay.

Nanawagan naman ng hustisya ang pamilya ng biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Kaugnay na Balita