Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 30 Setyembre 2026 30 Set 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-1-9

Sunog, sumiklab sa residential building sa Batangas City

Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog sa residential area sa Barangay Soro-Soro Ilaya, Batangas City.

Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog sa residential area sa Barangay Soro-Soro Ilaya, Batangas City.COURTESY OF BFP BATANGAS CITY
I-share

BATANGAS CITY – Nasunog  ang isang dalawang-palapag na residential building sa Mercedes Subdivision, Barangay Soro Soro Ilaya, Batangas City ngayong Lunes, Setyembre 29.

Agad na rumesponde ang Batangas City Fire Station matapos ideklara ang First Alarm alas-11:59 ng umaga.

Makalipas ang ilang minuto, idineklarang Fire Under Control ang sunog alas-12:18 ng tanghali, bago tuluyang Fire Out alas-12:21 ng tanghali.

Sa kabila ng insidente, walang naiulat na nasawi, nasugatan o nawawala.

Patuloy namang isinasagawa ang nararapat na imbestigasyon upang matukoy ang sanhi at lawak ng pinsala ng sunog.

Kaugnay na Balita