Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 3 Oktubre 2026 3 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-1-9

Sunog sa barko sa Calaca City, naapula na makalipas ang higit 45 oras

Hindi pa rin tukoy ang sanhi ng apoy.

45 oras tumagal ang sunogCOAST GUARD SOUTHERN TAGALOG
I-share

CALACA CITY, Batangas — Idineklarang fire out ang sunog sa motor tanker vessel na MTKR Gindara bandang alas-2:45 ng hapon nitong Biyernes, matapos ang mahigit 45 oras na operasyon para tuluyang maapula ang apoy, ayon sa Coast Guard Southern Tagalog.

Sumiklab ang sunog bandang alas-5 ng hapon noong Miyerkoles habang nakadaong ang barko sa Balayan Distillery Port sa Barangay Talisay, Calaca City, Batangas.

Nasa proseso noon ang barko ng pagbababa ng kargang molasses nang sumiklab ang apoy, na sinasabing nagsimula sa engine room.

Ayon sa Coast Guard Southern Tagalog, hindi pa rin tukoy ang sanhi ng sunog.

Ligtas namang nailigtas ang 22 crew members ng barko, ngunit dalawa ang nasugatan dahil sa insidente.

Kaugnay na Balita