Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 2 Oktubre 2026 2 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 4-2-9

₱4.26-M farm equipment ipinagkaloob ng DOLE sa mga magsasaka sa Rizal, Occidental Mindoro

Makikinabang dito ang 130 magsasaka mula sa Sitio Simbahan Farmers and Planters’ Association sa Barangay Manoot at Napuid Barangay Rumbang Farmers and Fisherfolks Association sa Barangay Rumbang.

Bawat samahan ay tumanggap ng bagong four-wheel-drive farm tractor na may kasamang rotary tiller, disc harrow at front loader.DOLE OCCIDENTAL MINDORO
I-share

RIZAL, Occidental Mindoro — Tumanggap ng makinaryang pangsaka na nagkakahalaga ng ₱4.264 milyon ang dalawang samahan ng mga magsasaka sa Rizal, Occidental Mindoro para mapalakas ang kanilang kabuhayan at produksyon.

Ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamumuno ni Secretary Francis N. Tolentino, ang mga kagamitan sa ilalim ng DOLE Kabuhayan Program.

Makikinabang dito ang 130 magsasaka mula sa Sitio Simbahan Farmers and Planters’ Association sa Barangay Manoot at Napuid Barangay Rumbang Farmers and Fisherfolks Association sa Barangay Rumbang.

Bawat samahan ay tumanggap ng bagong four-wheel-drive farm tractor na may kasamang rotary tiller, disc harrow at front loader.

Layunin ng mga makinarya na mabawasan ang manu-manong paggawa at gastos sa pag-upa ng kagamitan, lalo na sa paghahanda ng lupa bago ang pagtatanim.

Napagkasunduan din ng dalawang samahan na ipagamit ang mga kagamitan sa mga magsasakang hindi kabilang sa kanilang organisasyon upang mas marami pang magsasaka sa kanilang komunidad ang makinabang.

Isinagawa ang proyekto sa pamamagitan ng Pamahalaang Bayan ng Rizal, na nagsilbing Accredited Co-Partner (ACP), sa pangunguna ni Mayor Ernesto C. Pablo Jr., at sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) na pinamumunuan ni Jack Motril.

Nagpasalamat ang mga benepisyaryong samahan sa DOLE Occidental Mindoro, Pamahalaang Bayan ng Rizal at PESO, at nangakong aalagaan at gagamitin nang maayos ang mga makinarya.

Layunin ng DOLE MIMAROPA na mapataas ang produktibidad sa agrikultura at makapagbigay ng karagdagang pagkakakitaan sa mga manggagawang nasa kanayunan sa Occidental Mindoro.

Kaugnay na Balita