BAUAN, Batangas – Isang 27 anyos na lalaki ang naaresto ng mga otoridad sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Aplaya.
Sa report mula kay Batangas Police Provincial Director, PCol. Oliver Ebora, nasamsam sa suspek na si Alyas Jomar ang 53.80 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa Php 365,840.00 ang halaga.
Ang suspek na residente ng Barangay Lucutan Malabag, Sariaya, Quezon ay itinuturing na high value target individual ng mga otoridad.
Isinagawa ang operasyon laban sa suspek ng mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Team ng Bauan Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Nakakulong na ang suspek sa Bauan Police Station.