Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 2 Oktubre 2026 2 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 4-2-9
Panahon

Bagyong Choi-Wan, hindi inaasahang papasok sa bansa

Maaaring magdala ng mga pag-ulan ang trough o extension ng bagyo sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Loreto, malayo pa sa kalupaan ng bansa ang bagyo at wala itong direktang epekto sa Pilipinas.TBST News
I-share

Hindi inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Choi-wan na nasa silangan ng Guam, ayon sa PAGASA.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Loreto, malayo pa sa kalupaan ng bansa ang bagyo at wala itong direktang epekto sa Pilipinas.

Gayunman, maaaring magdala ng mga pag-ulan ang trough o extension ng bagyo sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Inaasahan ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Oriental. Posible naman ang mga panandaliang pag-ulan o thunderstorms sa Northern Mindanao at iba pang bahagi ng Davao Region pagsapit ng hapon o gabi.

Alas-3 ng madaling-araw nitong Huwebes, nasa layong 2,945 kilometro silangan ng Central Luzon ang Choi-wan.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 75 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometro bawat oras. Kumokontrol ito sa direksyong west-northwestward sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Nabuo ang bagyo mula sa isang low pressure area nitong Miyerkules.

Samantala, mananatiling mainit at maalinsangan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, na may posibilidad ng mga pag-ulan o thunderstorms pagsapit ng hapon o gabi.

Kaugnay na Balita