Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 3 Oktubre 2026 3 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-1-9

Alyansa nina Cong. Tarriela at Nene Sato kumpirmado na sa 2028 elections

Ang dating magkatunggali sa politika na sina Tarriela at Sato ay magsasama na laban kay Gov. Gadiano.

Si Cong. Odie Tarriela sa kaniyang 58th birthday celebration kasama si dating Cong. Nene Sato na tatakbong gobernador sa ilalim ng kaniyang ticket.BOARD MEMBER ROD AGAS
I-share

SAN JOSE, Occidental Mindoro – Kumpirmado na ang pagsasama ng dating mahigpit na magkatunggali sa pulitika na sina incumbent Congressman Leody “Odie” Tarriela at dating kongresista na si Josephine Ramirez-Sato sa 2028 elections.

Inanunsyo ni Tarriela ang kanilang pagsasama sa pagdiriwang ng kaniyang ika-58 kaarawan nitong Biyernes na dinaluhan ng mga kaibigan, pamilya at kaalyado sa pulitika mula sa mga board members at mga mayors ng Occidental Mindoro.

Si Sato ang tatakbong gobernador ng Occidental Mindoro  sa ilalim ng ticket ni Tarriela na tatangkain na makuha ang huling termino.

“lately ko na lang narealized na yung ginagawa ni Cong. Nene ay kailangang-kailangang  ipagpatuloy , yung nasimulan niya  kailangan kong ipagpatuloy  kaya ako ay nagpapasalamat, lately nakapag-usap kami  at ang napag-usapan namin  magsasama po kami  siya ang magiging gobernador ,ang Congressman Odie po ang mananatiling kongresista ng lalawigan ng Occidental Mindoro” sabi ni Tarriela.

Umani ng palakpakan ang anunsyo ni Tarriela na aniyang matagal ng hinihintay ng mga Mindoreño.

“at sigurado pong yung tandem na Odie at Nene Sato ay mas magiging maunlad ang lalawigan ng Occidental Mindoro” dagdag ni Tarriela.

Noong 2025 elections, naging mahigpit na magkalaban sa pagka-kongresista sina Tarriela at Sato .

Ang anunsyo ng mambabatas ay nagtuldok na sa matagal ng usap-usapan sa Occidental Mindoro na may lamat na ang samahan nina Tarriela at Gadiano.

Noon ay binansagang hindi matitibag ang TGT  na binubuo nina Tarriela, Gadiano at Vice  Gov. Diana Apigo -Tayag.

Si Tarriela ay nasa ticket noon ni Gov. Eduardo Gadiano na inaasahang niyang makakalaban sa susunod na halalan sa pagkakongresista.

Nananatili naman sa partido ni Gadiano si Tayag na desidido na rin tumakbong gobernador.

 

 

Kaugnay na Balita