Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 16 Oktubre 2026 16 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 1-9-1
BREAKING

SITG Austria may “persons of interest” na sa pagpatay sa Brgy. Chairman sa Sto. Tomas City

Sinisiyasat din ang impormasyon na ang motorsiklo na ginamit ng mga suspects ay  gabi bago isagawa ang krimen ay namataan na ibinaba na ng isang van malapit sa subdibisyon kung saan nakatira ang biktima.

Huwebes ng 6:20 ng umaga ng malapitan barilin ng isang gunman ang biktima habang nagwawalis sa gate ng kaniyang bahay sa My Home Subdivision.TBST News
I-share

BATANGAS CITY –  May sinusundan ng persons of interest ang binuong Special Investigation Task Group. o SITG Austria kaugnay sa pagpatay kay  Chairman Dennis Austria ng Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas.

Gayunpaman, tumanggi muna si PLTCOL. Philip Aguilar, spokesperson ng SITG Austria na magbigay ng detalye habang nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon.

“yun po ay sinusundan at tinututukan ng ating mga tracker teams ” sabi ni Aguilar,

Sinisiyasat din ang impormasyon na ang motorsiklo na ginamit ng mga suspects ay  gabi bago isagawa ang krimen ay namataan na ibinaba na ng isang van malapit sa subdibisyon kung saan nakatira ang biktima.

“isa po yan sa tinututukan ng ating mga investigators at ng ating SITG” dagdag pa niya.

Huwebes ng 6:20 ng umaga ng malapitan barilin ng isang gunman ang biktima habang nagwawalis sa gate ng kaniyang bahay sa My Home Subdivision.

Tumakas ang gunman sakay ng isang naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kasama.

 

Kaugnay na Balita