Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 15 Oktubre 2026 15 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 1-9-1

Babaeng architecture student ng National University sa Lipa City, natagpuang patay sa mga saksak

Rumesponde ang mga barangay tanod matapos matagpuan  sa kalsada ang nakahandusay  na biktima  na unang inakalang biktima ng aksidente.

20 anyos na architecture student ng National University ang biktima na pinagsasaksak ng lalaking nakamotorsiklo habang pauwi sa kanilang bahay.TBST News
I-share

LIPA CITY, Batangas – Karumal-dumal ang sinapit ng isang 20 anyos na architecture student ng National University matapos matagpuang tadtad ng saksak sa iba-ibang parte ng katawan  malapit sa boundary ng Brgy. Pinagtongulan at Brgy. Duhatan sa Lipa City, Batangas, bandang 7:00 ng gabi nitong Miyerkoles.

Rumesponde ang mga barangay tanod matapos matagpuan  sa kalsada ang nakahandusay  na biktima  na unang inakalang biktima ng aksidente.

Ngunit ng kanilang itakbo ang biktima sa ospital kung saan siya idineklaranng dead on arrival ay natuklasan na biktima pala ito ng pananaksak.

Sa pagsusuri ng mga otoridad sa CCTV, makikita ang biktima na solong naglalakad sa kalsada pauwi na sa kanilang bahay nang isang motorsiklo ang nakitang  sumunod dito.

Pagdating sa madilim na bahagi ng kalsada doon na isinagawa ang krimen.

Hindi makilala ang lalaking sakay ng  motorsiklo dahil nakabalot ang mukha nito .

Wala rin umanong plaka ang  motorsiklo.

Nakausot pa ng school uniform at school ID ang biktima .

Iba-ibang anggulo na ang sinisilip ng mga otoridad kabilang ang may kinalaman sa dating boyfriend, manliligaw at isang nabusted na manliligaw.

Hanggang ngayon, wala pa rin linaw ang kaso.

 

 

 

Kaugnay na Balita