Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 15 Oktubre 2026 15 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 1-9-1

River rechanneling ni Mayor Teves sa Naujan kontra-baha, puspusan na

Binisita ni Mayor Henry Joel Teves ang ginagawang river rechanneling sa Naujan.

Personal na binisita ni Naujan Mayor Henry Joel Teves ang ginagawang river rechanneling sa Purok 7, Brgy. Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro.TBST News
I-share

NAUJAN, Oriental Mindoro  — Puspusan na ang pagsasagawa ng river rechanneling sa Purok 7, Barangay Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro, upang mapabuti ang daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pag-apaw ng ilog tuwing malakas ang ulan.

Personal na binisita ni Naujan Mayor Henry Joel Teves ang kasalukuyang operasyon na isinasagawa ng pamahalaang bayan sa pamamagitan ng Municipal Engineering Office, katuwang ang Sangguniang Barangay ng Del Pilar.

Layunin ng proyekto na mapahusay ang daluyan ng tubig sa ilog at makatulong na maiwasan ang pagbaha sa mga kalapit na komunidad, lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Tapos na ang live coverage 0 update

Wala pang update. Manatiling nakatutok.

Kaugnay na Balita